^

Bansa

‘Rising political star’ ng China, Communist Party officials bumisita kay Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakipagpulong kay Pangulong Duterte sa Malacañang ang Chief ng Chongqing Party at ibang miyembro ng Communist Party of China (CPC).

Personal na tinanggap ni Pangulong Du­terte sa Music Room sa Palasyo kamakalawa ng gabi para sa isang “tete-a-tete” sina Chong­qing Party Chief Chen Min’er at ang kanyang delegasyon.

Si Chen ay protégé ni Chinese President Xi Jinping at itinuturing na isang rising political star sa China.

Naging secretary si Chen ng Chongqing Party dalawang taon na ang nakararaan at naging bahagi ng 25-member Politburo na siyang top decision-making body ng Communist Party of China.

Ang Chongqing ay isa sa mga nangungunang siyudad ng China at kadalasang pinamumunuan ng party secretary mula sa Chinese Politburo.

Kasamang nagtungo ni Chen sa Malacañang si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua at marami pang opisyal ng China.

vuukle comment

COMMUNIST PARTY OF CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with