Ang mga repo units ng Motortrade ay dumadaan ng maintenance check at safety inspection bago ibenta sa iba.
Photo Release
Repo Baratillo ng Motortrade bukas na para sa mga praktikal na motorista
(Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 6:46am

MANILA, Philippines — Kung kailangan ng motor at medyo tight ang budget, isang magandang solusyon ang bumili ng pre-loved o secondhand na unit dahil mas abot-kaya ito kumpara sa bago.

Pero dapat maging maingat sa pagpili para masiguradong kundisyon at dekalidad ang bibilhing motor.

Alalahaning hindi lahat ng segunda mano ay napangalagaang mabuti ng nakaraang gumamit. Ang unit na wala sa tamang kundisyon ay maaring masira at magkaproblema sa katagalan, na hindi lang pasakit kundi maari ring maging sanhi ng aksidente. 

Bilang sagot dito, ang Motortrade ay nagbebenta na rin ng mga repossessed units, o repo, bukod sa alam na nating brand new units ng mga kilalang brands. 

Ang repo ay isang unit na hindi na kayang bayaran ng nakaraang may-ari sa pamamagitan ng installment. kukunin ng bangko o lending institution ang unit para ibenta sa iba sa mas mababang halaga. 

Ang mga repo units ay dumadaan ng maintenance check at safety inspection bago muling ibenta. Dahil dito ay sigurdo ang isang buyer kumpara sa pagbili ng secondhand unit ng indibidwal na motorista na walang mapakitang tala ng service history.

Ito ay dahil mahalagang makumpirma na ang isang unit ay hindi pa naaksidente, na kadalasan ay nagdudulot ng pagka-misalign ng kaha. Sa mga ganitong unit, apektado na ang handling at mas lalong madaling maaksidente. 

Mahalaga ring iwasang bumili ng secondhand na motor na phased out na sa merkado. Mahihirapang maghanap ng mga parte kung ang isang modelo ay wala na sa kasalukuyang linya ng manufacturer.

Kaya siguraduhin na kumpleto at pinakabago ang mga dokumento ng motor gaya ng rehistro at insurance. Kung hindi magagamit ng legal sa kalsada ay mawawalan ng saysay ang pagbili ng motor.

Higit sa lahat, bumili lamang ng unit na nakuha ng legal ng dating may-ari at hindi nakaw. Maari itong malaman sa tulong ng Land Transportation Office (LTO). Ipakita lamang ang plate number ng motor bago bilhin. 

Gawing mas madali at ligtas ang pagbili ng pre-loved o secondhand na motor sa ginaganap na Repo Baratillo ng Motortrade nationwide para sa mga praktikal na motorista. 

Bukod sa maraming pagpipilian, tiwala ang mga buyers na lahat ng repo units ay may service record at nakundisyon nang muli. Higit sa lahat, may rehistro na ang mga unit kaya maaring magamit agad-agad. Kung pang negosyo man o pang personal, siguradong may repo na motor na swak sa bulsa at pangangailangan.

Pwedeng-pwede nang maiuwi ang inaasam na branded na motor sa mas mababa at kayang halaga. Nakatipid na, napahaba pa ang pakinabang ng nabiling secondhand na motor. 

 

Para sa karagdang impormasyon hinggil sa schedule ng susunod na Repo Baratillo, puntahan lamang ang website ng Motortrade sa www.mototrade.com.ph

MOTORTRADE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with