Sinabi ni BAI Director Ronnie Domingo na tumaas ang bilang ng mga namamatay na baboy sa mga sumusunod na lugar: Antipolo - Barangay Cupang; BULACAN- Guiguinto town; ROD­RIGUEZ, RIZAL- Barangays San Jose, Macabud, San Isidro, San Rafael at Mascap.
File
Swine flu outbreak sa 7 lugar
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Bureau of Animal Industry ang outbreak o pagkakaroon ng African swine fever (ASF) sa pitong lugar sa Luzon.

Sinabi ni BAI Director Ronnie Domingo na tumaas ang bilang ng mga namamatay na baboy sa mga sumusunod na lugar: Antipolo - Barangay Cupang; BULACAN- Guiguinto town; ROD­RIGUEZ, RIZAL- Barangays San Jose, Macabud, San Isidro, San Rafael at Mascap.

“Kapag sa isang lu­gar ay tumataas above the expected occurrence ang pagkakasakit o pagkakamatay ay puwede ‘yong maituring na isang hitsura ng outbreak,” paliwanag ni Domingo.

“’Yong nangyari sa Rizal, wala naman silang ASF tapos nagkaroon ng mga namamatay na baboy at nagkakasakit, so ‘yon po ay maituturing na outbreak,” dagdag niya.

Tiniyak ni Domingo na patuloy pa rin ang pagpapatupad ng mga hakbang ng pamahalaan para hindi kuma­lat ang ASF sa mga karatig na lugar. 

“Kung sa akin, hina­harap nila iyan nang tama. Kung merong isolated case sa isang lugar, aasikasuhin nila iyan,” sabi ni Panelo.  

Kaugnay nito, isasailalim naman ng Department of Agriculture sa pagsusuri ang kalidad ng tubig sa Marikina River upang matiyak kung ligtas ang mga isda rito.

Sinabi ni Agriculture Office of the Secretary Chief of Staff Cheryl Caballero na isinagawa ang natu­rang hakbang bilang tugon sa hiling ng pamahalaang lokal ng Marikina hinggil sa pangambang may dalang sakit ang natagpuang mga inanod na patay na baboy sa naturang ilog.

AFRICAN SWINE FEVER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with