^

Bansa

Big time oil price hike sisirit

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Big time oil price hike sisirit
Sa pagtataya ng mga oil experts, nasa P1.40-P1.60 kada lit­ro ang maaaring itaas sa presyo ng gasolina, P.70-P.80 sentimos kada litro sa diesel at P.90-P1 kada litro sa kerosene.
Artemio A. Dumlao

MANILA, Philippines — Makaraan ang tatlong sunod na linggong mga katiting na rollback, magpapatupad naman ng malaking dagdag sa presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong papasok na linggo.

Sa pagtataya ng mga oil experts, nasa P1.40-P1.60 kada lit­ro ang maaaring itaas sa presyo ng gasolina, P.70-P.80 sentimos kada litro sa diesel at P.90-P1 kada litro sa kerosene.

Nauna na ang Pilipinas Shell sa pag-aanunsyo sa pagtaas sa presyo ng kanilang produkto na ipatutupad dakong alas-6:00 ng madaling araw sa Setyembre 17.

 Nasa P1.35 kada litro ang itataas ng ka­nilang gasolina, P1 kada litro sa kerosene at P.85 sa kada litro naman ng diesel.

Nagpatupad ng mga rolbak ang mga kumpanya ng langis mula Agosto 25 hanggang noong nakaraang linggo kung kailan nagtapyas ang mga kumpanya ng langis ng P.50 sentimos sa kada litro ng gasolina at P.10 sentimos sa diesel.

Ang panibagong galaw sa petrolyo ay patuloy na dikta pa rin ng presyo ng inaangkat na petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

vuukle comment

OIL PRICE HIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with