^

Bansa

Doktor binalaan ng PMA sa pamemeke ng med cert

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Philippine Medical Association (PMA) sa mga doktor na maaari silang tanggalan ng lisensiya kung mapapatunayang namemeke ng medical certificate ng kanilang pasyente.

“Maaari po namin silang tanggalin bilang miyembro (ng PMA) at pwede silang tanggalan ng lisensya ng PRC (Professional Regulation Commission),” ani PMA president Dr. Jose Santiago.

Ang pahayag ni Santiago ay bunsod naman ng kontrobersiya sa Bureau of Corrections (BuCor) na pinepeke umano ng ilang doktor ang diagnosis ng mga pasyenteng inmates para makakuha ng hospital pass at madala sa NBP hospital kapalit umano ang malaking halaga.

Subalit mariin naman itong itinanggi ni NBP Hospital Corrections Technical Chief Inspector Ursicio Cenas bagamat sinabi nitong inaalok ng mga inmates ang mga doktor dito.

Ayon naman sa PMA, kailangan nila ng reklamo laban sa mga doktor sa NBP na sangkot sa benta­han umano ng hospital pass upang masimulan ang imbestigasyon at mapatawan ang responsable.

Paliwanag ni Santiago, ang pagbibigay ng maling diagnosis ay labag sa PMA’s code of ethics kaya maaari ding masuspinde ang kanilang miyembro.

Bukod dito, irerekomenda din ng PMA sa PRC ang kaso na siyang may karapatan na bawiin ang professional license ng isang doktor.

“Hindi na namin kailangang mag-doktor ng dokumento, sapagkat kami ay doktor na po,” dagdag pa ni Santiago.

vuukle comment

PMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with