^

Bansa

Barangay SK elections i-postpone - Sen. Go

Pilipino Star Ngayon
Barangay SK elections i-postpone - Sen. Go
Sinabi ni Sen. Go na dapat ay bigyan ng extension ang kasalukuyang two-year term ng Barangay at SK officials kagaya ng nakasaad sa kanyang inihaing Senate Bill (SB) No. 201 noong Hulyo.
FIle

MANILA, Philippines — Muling iginiit ni Sen. Bong Go sa Senado ang kanyang panawagan na i-postpone ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na nakatakda sa May 2020. 

Sinabi ni Sen. Go na dapat ay bigyan ng extension ang kasalukuyang two-year term ng Barangay at SK officials kagaya ng nakasaad sa kanyang inihaing Senate Bill (SB) No. 201 noong Hulyo. 

“Hindi po kasalanan ng mga barangay officials ang postponement ng nakaraang eleksyon,” aniya.

Laging idinidiin ni Go na ang mga barangay and SK officials ang frontliners ng gobyerno sa pagbibigay ng maayos na public service sa bawat komunidad.

“Mga barangays natin ang pinaka-frontline ng ating gobyerno sa paghahatid ng serbisyo at sa kampanya natin laban sa iligal na droga at kriminalidad. Kaya dapat lang na mabigyan natin sila ng sapat na panahon upang makapagpatupad ng kani-kanilang mga programa at proyekto sa kanilang mga nasasakupan,” dagdag ni Go.

Ang synchronized elections na sana’y isi­nagawa noong October 2017 ay hindi natuloy at iniurong sa petsang May 2018 nang maipasa ang Republic Act 10952, na nagbibigay lamang sa mga kasalukuyang BSK officials ng dalawang taon para manungkulan. 

“Dahil sa RA 10952 na naisabatas noong 2017 at dating postponement ng Barangay at SK elections, magiging dalawang taon na lang ang kanilang mga termino mula sa dapat tatlong taon,” sabi ni Go.

May mga suhestyon na isagawa na lamang ang halalan sa May 2023, sa halip na May 2020.

vuukle comment

BARANGAY SK ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with