^

Bansa

Government fund vs illegal Chinese nasasayang?

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala si Senator Joel Villanueva na naaksaya ang pondo ng gobyerno sa paghabol sa mga Chinese nationals na ilegal na nagtatrabaho sa mga Philippine offshore gaming operations (POGO).

Patunay aniya nito ang naarestong 227 Chinese nationals sa isang gusali sa Pasig City kamakalawa (Biyernes).

Ayon kay Villanueva, habang namamayagpag sa bansa ang POGO,  patuloy na tutugisin ng mga enforcement agencies at labor regulators ang mga banyagang ilegal na nagtatrabaho sa bansa na ginugugulan ng pondo ng gobyerno.

Sinabi ni Villanueva na dapat nagagamit ang pondo sa ibang problemang kinakaharap ng gobyerno katulad ng kampanya laban sa ilegal na droga at korupsiyon.

Idinagdag ni Villanueva na ang mga nahuling 227 Chinese nationals ay isa ring patunay na nakakalusot sa bansa ang mga kriminal dahil sa kapabayaan ng mga opisyal ng gobyerno. 

Ang pagsama aniya ng mga kinatawan ng Chinese embassy sa raid ay nagpapatunay na seryoso ang kanilang gobyerno na tugisin ang mga gumagawang ilegal sa labas ng kanilang bansa.

Nauna ng sinabi ng embahanda ng China dito sa Pilipinas na iligal ang sugal sa kanilang bansa at iginiit ang pagpapahinto ng operasyon ng POGO dito sa Pilipinas.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with