^

Bansa

Mariang Pulis inilunsad

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

All Female Police Station

MANILA, Philippines — Sa wakas, inilunsad na ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan ng Siquijor ang kauna-unahahang “All Female Police Station”  sa  kasaysayan ng bansa.

Ayon kay PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac, ang “All Female Police Station” ay matatagpuan sa bayan ng Maria na nasa lalawigan ng Siquijor.

“Ang presintong ito ay kasalukuyang kumikilos sa bayan ng Maria sa lalawigang isla ng Siquijor at pinangalanan itong Mariang Pulis,” pahayag ni Banac.

Inihayag naman ni Police Regional Office (PRO) 7 Director Police Brig. Gen. Debold Sinas na mahalaga ang magiging papel ng bagong himpilan ng pulisya dahil isinusulong nito ang  natatanging kakayahan ng mga kababaihang “Mariang Pulis “.

Inihayag ng dalawang opisyal na ang All Female Police Station sa bagong tatag na himpilan ay binubuo ng nasa 21 babaeng pulis sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Judith Besas.

Mula sa dating  bilang na anim na babaeng pulis ay masusing sinala at hinirang ni Siquijor Provincial Police Director Police Colonel Angela Rejano ang mga itatalagang pulis sa bagong himpilan.

Ang 21 Mariang Pulis ay sumailalim sa mahigpit na pagsasanay na kayang tapatan ang kakayahan, katapatan at kagitingan ng mga lalaking pulis.

Nabatid na “All female police station” ay bilang pagkilala sa  hitik ng kasaysayang bayan ng Maria, Siquijor bago pa man dumating ang mga  Kastila sa lalawigan ng Siquijor  na unang binansagang “Kangmiya” kung saan ipinangalan  ito sa isang katutubong babae bago ito pinalitan ng pangalang Maria bilang pagkilala sa pananampalataya sa “Our Lady of Divine Providence” na naging santo sa nasabing bayan.

 Ang bayan ng Maria ay 5th class na munisipalidad na may kabuuang lupain na nasa 53.37 square kilometers at nasa 15% ng kabuuang lawak ng nasasakupan ng Siquijor.

vuukle comment

MARIANG PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with