Ayon kay House Deputy Speaker Neptali Gonzales II, isang batikan na mambabatas na nahalal na Majo­rity Leader noong 16th Congress, hinahangaan niya ang mga kapwa niya kongresista sa House sa kanilang ipinapakitang dedikasyon sa tungkulin matapos lumabas ang mataas na attendance record.
The STAR/Paolo Romero
18th Congress nakamit ang pinakamataas na attendance
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2019 - 12:00am

Sa pamumuno ni Cayetano

MANILA, Philippines – Nakamit ang pinakamataas na attendance ng mga mambabatas noong magbukas ang 18th Congress nitong July 22 hanggang Sept. 10 na umabot sa 247 kongresista para sa kabuuang 18 session days.

Ito ang unang pagkakataon na naitala ang mataas na numero ng dumalo na pruweba ng determinasyon at pagiging makabayan ng mga mambabatas sa pa­ngunguna ni Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon kay House Deputy Speaker Neptali Gonzales II, isang batikan na mambabatas na nahalal na Majo­rity Leader noong 16th Congress, hinahangaan niya ang mga kapwa niya kongresista sa House sa kanilang ipinapakitang dedikasyon sa tungkulin matapos lumabas ang mataas na attendance record.

Saad pa ni Gonzales na sa kabila ng maraming holidays nitong nakaraang buwan, minabuti ng mga halal na mambabatas na dumalo sa Kamara at magtrabaho sa halip na magbakasyon ng mahabang araw na walang pasok.

Patunay nito ang House record na may pinakamataas na attendance na umabot sa 266 attendees sa roll call na ginanap noong August 13, ang araw kung saan ginugunita ng bayan ang Eid al-Adha holiday, at ang 259 attendees noong August 27, ang araw matapos ang selebrasyon ng National Heroes Day. 

Binigyang kredito ni Gonzales si Speaker Ca­yetano sa malakas at maayos na pamamahala nito kung saan nailagay sa ayos ang mga schedule ng House of Representatives at naging mabilis ang pagkamit ng legislative agenda at mga prayoridad.

18TH CONGRESS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with