Ayon kay Sen. Bong Go, nagkusa umanong lumapit sa kanya ang gustong tumestigo na ang tanging hiling ay mabigyan siya ng proteksiyon.
The STAR/Miguel De Guzman, file
4 pang testigo haharap sa Senado
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Isang “malaking tao” ang kabilang sa apat na testigo na haharap sa pagpapatuloy ng pagdinig ngayon ng Senate committee on justice and human rights tungkol sa isyu ng “hospital pass for sale.”

Ayon kay Sen. Bong Go, nagkusa umanong lumapit sa kanya ang gustong tumestigo na ang tanging hiling ay mabigyan siya ng proteksiyon.

“Nandoon  siya mismo sa ospital nang nangyayari yong illegal drug trade operations. Actually may mga pina­yagang gumagamit ng cellphone kahit bawal. Maaaring totoong may bayaran talaga diyan sa loob,” sabi pa ni Go.

Ayon naman kay Senate President Tito Sotto, nilagdaan na niya ang mga subpoena para sa ipapatawag na mga testigo kung saan ang isa ay dinala na kahapon sa Senado.     

Kabilang sa mga haharap ay dating bilanggo at mayroon ding mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor).

Tiwala naman si Sotto na matatapos na ang pagdinig ngayon upang makapagsumite na ng report ang komite.

 

HOSPITAL PASS FOR SALE.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with