Sinabi ni Ombudsman Samuel Martires sa kanyang sulat kina Roxas at de Lima na ang 2013 law na nagpalawak sa komputasyon ng GCTA ay nagpupuwera sa mga recidivists, habitual delinquents, escapees at persons charged with heinous crimes.
Miguel de Guzman
De Lima, Roxas pinagpapaliwanag sa GCTA law
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - September 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pinagpapaliwanag ng Office of the Ombudsman sina Sen. Leila de Lima at dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas hinggil sa implementing rules and regulations (IRR) na binalangkas nila para sa maagang paglaya ng mga bilanggo batay sa good conduct credit.

Kung maaalala, taong 2013 nang maisabatas ang GCTA law kung saan nakaupo bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ) si de Lima habang sa DILG naman si Roxas.

Sinabi ni Ombudsman Samuel Martires sa kanyang sulat kina Roxas at de Lima na ang 2013 law na nagpalawak sa komputasyon ng GCTA ay nagpupuwera sa mga recidivists, habitual delinquents, escapees at persons charged with heinous crimes.

Gayunman, sa IRR ng batas, tanging dinis­kuwalipika lang ay mga recidivists, those who have been “convicted previously twice or more... of any crime”, at those who failed to surrender before a court after being summoned, ayon kay Martires.

Hiniling niya kina de Lima at Roxas na magsumite sa loob ng tatlong araw ng paliwanag na nakasulat kung bakit ang nabanggit na mga probis­yon ng IRR ay hindi nag­lalaman ng kahalintulad na disku­walipikasyon na binanggit sa last paragraph ng Article 29 ng Revised Penal Code.”

Umabot sa may 2,000 crime convict ang napalaya sa ilalim ng good conduct time allowance mula noong 2014.

Kabilang sa maaaring makinabang sa GCTA si dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez na nasentensiyahan sa kasong panggagahasa at pagpatay.

DE LIMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with