Ayon kay HPG Traffic Enforcement Unit chief Lt. Col. Emmanuel Tabuena, bagamat paiiralin nila ang maximum tolerance ay hindi sila magdadalawang isip na mag-isyu ng ticket sa mga traffic violators at hindi na rin sila makikipagtalo para ipakita na ang HPG ay professional police officers.
Boy Santos
Pasaway na motorista sa EDSA kakasuhan na ng HPG
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Simula ngayong araw ay sasampahan na ng kaso ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) ang mga pasaway na motorista sa kahabaan ng EDSA para magkaroon ng disiplina ang mga ito na sumunod sa batas trapiko.

Ayon kay HPG Traffic Enforcement Unit chief Lt. Col. Emmanuel Tabuena, bagamat paiiralin nila ang maximum tolerance ay hindi sila magdadalawang isip na mag-isyu ng ticket sa mga traffic violators at hindi na rin sila makikipagtalo para ipakita na ang HPG ay professional police officers.

Nag-deploy ang HPG ng 200 personnel kabilang na rito ang 25 policewoman na tutulong para maibsan ang bigat ng trapiko sa EDSA.

Ang kahabaan ng EDSA mula Timog hanggang Ortigas ay sasailalim sa HPG habang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic constables ay magmamando mula Timog hanggang Balintawak at Ortigas hanggang Pasay.

Tiniyak naman ni Tabuena na gagamitin lang ng HPG ang mga dala nilang armas kapag mayroong mabibigat na sitwasyon tulad ng paghabol sa mga criminal suspects at hindi sa mga minor traffic violations lang at maiinit na ulo na drivers.

 

HPG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with