_ngayon
^

Bansa

Mon Tulfo sinampahan muli ng libel, cyber libel

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Mon Tulfo sinampahan muli ng libel, cyber libel
Aabot naman sa higit P80 milyon ang hinihingi ng mga ito laban kay Tulfo bilang ‘moral and exemplary damages’ at bayad sa abugado. Dapat rin umanong ma-isyuhan ng hold departure order si Tulfo dahil isa itong “flight risk”.
Facebook/pg/IMKTOfficial

MANILA, Philippines — Muling sinampahan ng 5 counts of libel at 7 counts ng cyber libel ang kolumnistang si Ramon ‘Mon’ Tulfo sa Quezon City Prosecutor’s Office kaugnay sa serye ng kanyang mga artikulo laban sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sa reklamong isinampa noong Setyembre 6, sinabi ni Adonis ‘Don’ Samson, executive assistant ni BIR chief Caesar Dulay, lubhang nakasira sa kanyang pangalan at dangal ang mga serye ng kolum laban sa kanya, kay Dulay at BIR Assistant Commissioner Teresita Angeles.

Lumabas sa pahayagang Manila Times, sa ‘online edition’ nito at sa ‘social media account’ ni Tulfo ng makailang beses ang mga nasabing artikulo.

Ang reklamo ay kaugnay sa isang ‘video recording’ umano nina Angeles at Samson noong 2017 kung saan lumalabas na nagagalit ang dalawa matapos hindi “mapartihan” sa suhol galing sa dalawang malaking kaso na hawak ng BIR.

Ayon pa sa kolum, ang video ay ginawa habang nasa Amerika sina Angeles at Samson.

Subalit, ayon kay Samson, kahit minsan ay hindi pa siya nakarating sa Estados Unidos at bagaman nabigyan siya ng ‘US visa’ noong 2018, hanggang ngayon ay hindi pa niya ito nagagamit.

Mariin ding kinondena ni Samson ang kolumnista dahil sa bintang na katatapos lang nilang magtalik ni Angeles ng gawin nila ang video.

Una nang sinampahan nina Dulay at Angeles si Tulfo ng mga kasong ‘libel,’ ‘cyber libel,’ ‘cyber fraud’ at ‘incriminatory machination.’

Isinama rin ni Samson sa reklamo ang mga opisyales ng Manila Times.

Aabot naman sa higit P80 milyon ang hinihingi ng mga ito laban kay Tulfo bilang ‘moral and exemplary damages’ at bayad sa abugado. Dapat rin umanong ma-isyuhan ng hold departure order si Tulfo dahil isa itong “flight risk”.

MON TULFO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with