Ayon kay Jeffrey Rodriguez, Chief ng Calamba City Disaster Risk Reduction and Management Division , bandang alas -8 ng umaga nang makuha ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang nasabing black box.
File
Black box ng bumagsak na eroplano nakuha na
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakuha na nitong Lunes ang ‘black box’ ng medical evacuation plane na bumagsak sa isang resort house sa Calamba City, Laguna  na kumitil ng buhay ng siyam na tao kamakalawa.

Ayon kay Jeffrey Rodriguez, Chief ng Calamba City Disaster Risk Reduction and Management Division , bandang alas -8  ng umaga nang makuha  ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang nasabing black box.

“Actually kagabi nakita na ito during retrieval at itinabi kasi hindi ma-identify, pero ngayong umaga ‘yung CAAP ang nag-identify na ito yung black box”, ayon kay Rodriguez. Dadalhin ito sa Amerika para suriin.

Ang black box ay ang flight recorder, isang uri ng electronic device na nakalagay sa eroplano upang makatulong sa imbestigasyon sa sanhi ng sakuna.

Maging ang mga kinatawan ng Lion Air, ang kumpanyang may-ari ng bumagsak na eroplano, ay nagtungo rin sa Calamba City nitong Lunes para sagutin ang pangangailangan ng mga nasawi sa malagim na pagbagsak ng eroplano.

 Inihayag ng opisyal na lahat ng nasawi sa trahedya ay narekober sa crash site sa Agojo private resort sa Miramonte Subdivision, Purok 6, Brgy. Pansol, Calamba City.

Kabilang sa mga nasawi sina Captain Jesus Hernandez, piloto ng eroplano; co-pilot nitong si First Officer Lino Cruz Jr; Dr. Garret Garcia; mga nurse na sina Kirk Eoin Badiola, Yamato Togawa, ex Gil Laput; flight mechanic na si Raymond Bulacja; pasyenteng si Tom Car at misis nitong si Erma.

PLANE CRASH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with