Ayon kay Angara, matagal nang hinihintay ng mga kaliwete ang batas na ito lalo na't sumasakit daw ang likod, leeg at balikat ng mga nasabing estudyante sa tuwing pinipilit magsulat sa mga regular na armchair.
The STAR/Janvic Mateo
School desks na pwede sa parehong kaliwete at right-handed oobligahin na
James Relativo (Philstar.com) - August 28, 2019 - 6:16pm

MANILA, Philippines — Mababawasan na ang kahirapan ng mga kaliwete sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan, salamat sa panibagong batas.

Pinirmahan na kasi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11394 noong ika-22 ng Agosto na isinapubliko ngayong araw.

Kikilalanin ang batas bilang "Mandatory Provision of Neutral Desks in Educational Institutions Act." 

"Idinedeklara ng Estado bilang polisiya ang pantay na pag-unlad ng mga estudyante, pati na ng mga kaliwete," sabi ng dokumentong nilagdaan ni Duterte sa Inggles.

"Upang maabot ito, oobligahin ng Estado ang mga institusyong pang-edukason na magbigay ng nararapat na naaayon na mga armchairs para matugunan ang pangangailangan ng mga kaliweteng estudyante."

Sa committee report na isinumite ng Committee on Education, Arts and Culture noong ika-6 ng Pebrero, tumutukoy ang mga "neutral desks" sa mga:

"[T]able or armchair that is suitable for both right-handed and left-handed students."

Ang mga nasabing paaralan ay kinakailangang magbigay ng neutral desks na katumbas ng 10% ng populasyon ng mga estudyante isang taon matapos maipatupad ang batas.

Nagmula ang panukala sa House Bill 8654 na inihain ni Antipolo Rep. Cristina Roa-Puno na ipinasa ng Kamara noong Disyembre 2018. Iniangkop naman ito sa kahalintulad na Senate Bill 2114 ni Sen. Sonny Angara.

Inamyendahan naman ng Senado ang panukala noong ika-27 ng Mayo nang ipasa ito sa ikatlo at huling pagbasa ng upper house, bagay na sinang-ayunan ng Kamara noong ika-3 ng Hunyo.

'Matagal nang hinihintay na batas'

Ikinatuwa naman ng mga nagsulong nito at ng Department of Education ang desisyon ng presidente.

Ayon kay Angara, matagal nang hinihintay ng mga kaliwete ang batas na ito lalo na't sumasakit daw ang likod, leeg at balikat ng mga nasabing estudyante sa tuwing pinipilit magsulat sa mga regular na armchair.

"Mahigit-kumulang sampung porsyento ng population ay kaliwete at dahil ang karamihan ng mga gamit, kasama na dito ang mga desks sa paaralan, ay naka disenyo para sa mga right-handed," sabi ng senador sa isang pahayag Miyerkules.

"[K]ailangan pa nila mag adjust dahil hindi naman sila sanay gumamit ng kanang kamay nila."

Lumalabas din daw sa mga pag-aaral na mas mabagal magsulat ang mga kaliwete sa tuwing gumagamit ng mga right-handed desks, kung kaya't lugi raw sila sa mga pagsusulit na inoorasan.

Suportado ang plano ng DepEd

Ayon naman kay Education Undersecretary Alain del Pascua, tumatalima ang bagong batas sa five-year plan ng ahensya na palitan ang mga lumang armchair ng mga panibagong "furniture set" na binubuo ng isang lamesa at dalawang upuan.

Ang disenyo raw ng mga nasabing furniture set ay swak para magamit ng parehong kaliwete at right-handed.

Dagdag ni Pascua, mas magbibigay daw ang panibagong kaayusan ng "flexibility" at mas malawak na platform upang ligtas na makagamit ng mga tablet at laptop.

Nagkakahalaga ang panibagong furniture set ng P4,800 kumpara sa isang pirasong armchair na aabot sa P900.

Aabutin ng P114,000 ang mga silid-aralan na bibigyan ng 23 lamesa na may kasamang 46 na upuan, lamesa at upuan ng guro.

Mas mahal ito kumpara sa P44,500 na nagagastos noon para sa 45 armchairs at lamesa't upuan para sa guro.

Kakailanganin ng DepEd ng karagdagang P80.9 bilyon sa susunod na limang taon para mapalitan ang mahigit 18 milyong armchair sa 707,600 classrooms sa buong bansa. — may ulat mula kay Janvic Mateo

LEFT-HANDED RIGHT-HANDED RODRIGO DUTERTE SCHOOL DESK SONNY ANGARA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with