Ayon kay Sen. Imee Marcos, marami ang hindi nakakaalam na simula nang ideklara ang kalayaan ng Pilipinas, wala pang opisyal na idinideklarang bayani ang gobyerno kahit pa itinuturo sa mga paaralan na bayani sina Jose Rizal, Andres Bonifacio at iba pa.
File
Pinas wala pang opisyal na bayani
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - August 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasabay nang pagdiriwang ng National Heroes’ Day, wala pang opisyal na bayani ang Pilipinas.

Ayon kay Sen. Imee Marcos, marami ang hindi nakakaalam na simula nang ideklara ang kalayaan ng Pilipinas, wala pang opisyal na idinideklarang bayani ang gobyerno kahit pa itinuturo sa mga paaralan na bayani sina Jose Rizal, Andres Bonifacio at iba pa.

Ayon pa kay Marcos, inirekomenda ng Philippine National Heroes Committee ang ilang tao na matawag na bayani noong 1995, kabilang sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Marcelo H. del Pilar, Sultan Dipatuan Kudarat, Juan Luna, Melchora Aquino at Gabriela Silang.

Pero ang isyu aniya ay nauwi sa debate ng regional interest at hindi pa rin nareresolba hanggang ngayon.

Inihayag din ni Marcos na ang nag-iisang panukalang batas na nag­lalayong ipaproklama sa national government na national hero si Jose Rizal ay inihain ni Bohol congressman Rene Relampagos noong 2014.

Pero hanggang noong Enero 2017 ay nananatiling “pending” sa committee on revision of laws sa House of Representatives ang panukala.

Sinabi ni Marcos na ang mayroon lang tayo sa ngayon ay mga “implied heroes” kahit pa may mga opisyal na araw para alalahanin ang mga sinasabing bayani.

Sakaling mabuhay ang usapin tungkol sa mga national heroes, nais niyang isama sa listahan si Macario Sakay.

Si Sakay aniya ang unang pangulo ng Tagalog Republic na nakipag­laban sa mga Kastila at mga Amerikano noong mga unang bahagi ng 20th century. 

IMEE MARCOS NATIONAL HEROES’ DAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with