May reserbasyon na rin umano ang AFP kung papayagan pa ang Chinese warship na dumaan sa teritoryo ng Pilipinas dahil na rin sa kakula­ngan sa koordinasyon.
AFP
China nag-eespiya sa Pinas - AFP
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 26, 2019 - 12:00am

Sa pagdaan ng warships nang walang paalam

MANILA, Philippines — May duda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na nag-eespiya ang China kaya namamataan ang dalawang warship nila sa Sibutu strait malapit sa Tawi-Tawi.

Sinabi ni Wesmincom Commander Lt. General Cirilito Sobejana, na lahat ng malalaking barko mula sa iba’t ibang bansa ay doon dumadaan sa Sibutu strait na hindi naman tinututulan suba­lit kailangan lang na masiguro ang kanilang kaligtasan.

Paliwanag pa ni So­bejana, mayroon din mga tinatawag na “innocent passage” doon kung saan dapat ay tuwid lang ang pagdaan ng mga barko habang patungo sa bansang pupuntahan nila maliban na lamang umano kung masama ang panahon.

Subalit sa kaso umano ng mga warships ng China, naniniwala siya na hindi ito innocent passage dahil pinapatay nila ang kanilang automatic identification system o IAS at hindi rin sumasagot sa tuwing tinatawagan sila ng AFP.

Dahil dito kaya naniniwala si Sobejana na pag-eespiya ang pakay ng China sa pagdaan sa Sibutu strait at hindi innocent passage ang nangyayari at mayroon silang intensyon.

May reserbasyon na rin umano ang AFP kung papayagan pa ang Chinese warship na dumaan sa teritoryo ng Pilipinas dahil na rin sa kakula­ngan sa koordinasyon.

CHINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with