Sa datos ng Regional Epidemio­logy and Surveillance Unit (RESU), 75 na kaso ng leptospirosis ang naitala sa Calabarzon mula Enero 1, 2019 hanggang Agosto 17, 2019 kung saan may 12 ang namatay.
Boy Santos
75 kaso ng leptospirosis sa Calabarzon naitala
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - August 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot sa 75 kaso ng leptospirosis ang naitala ng Department of Health (DOH)-CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).

Sinabi ni DOH-CALABARZON Regional Director Eduardo C. Janairo na iwasan ang maglakad sa tubig lalo ngayong tag-ulan at may baha upang hindi makapitan ng sakit na leptospirosis.

“Kailangan din nating uminom ng prophylaxis gaya ng docycyline bago tayo lumusong sa tubig upang makaiwas sa impeksyon na dala ng leptospirosis,” ani Janairo.

Naililipat ang sakit na leptospirosis sa balat na may sugat kung nagla­lakad sa mga lugar na may tubig na posibleng kontaminado ng ihi ng isang hayop partikular ang daga.

Paalala ni Janairo, nakamamatay ang sakit na leptospirosis kaya payo nito na agad na magpakonsulta sa doktor kung tayo ay naka­karanas ng lagnat, pa­ngi­nginig ng katawan o ‘chills’, pananakit ng ulo, binti, kalamnan at kasu-kasuan, namumula ang mga mata, naninilaw ang balat at nahihirapang umihi.

Sa datos ng Regional Epidemio­logy and Surveillance Unit (RESU), 75 na kaso ng leptospirosis ang naitala sa Calabarzon mula Enero 1, 2019 hanggang Agosto 17, 2019 kung saan may 12 ang namatay.

LEPTOSPIROSIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with