Sa kasalukuyan, ang reservist umano ay nasa 70,000 lang at 120,000 ang aktibong sundalo, malayo sa kailangan ng Department of National Defense na isang mil­yon.
Facebook/Army Reserve Command
P16 bilyon kailangan sa mandatory ROTC sa senior high
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mangangailangan ang gobyerno ng tinatayang P16 bilyon para maipatupad ang mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa senior high school students.

Paliwanag ni Puwer­sa ng Bayaning Atleta (PBA) party-List Rep. Jericho Nograles, mayroong 4 milyong grade 11 at 12 students sa buong bansa.

Sa naturang bilang dapat umano ang mga estudyante ay mayrong sinturon, t-shirts, pantalon at iba pang kailangan sa ROTC training na tinatayang nagkakaha­laga ng P4,000 ng uniporme kada estudyante.

Kaya sa kabuuan ay tinatayang P16 bilyon ang magagastos dito subalit ang malaking kwestyon ay sino ang magbabayad nito.

Muling inihain ni Nograles ngayong 18th Congress ang mandatory ROTC training para sa senior high students sa public at private schools.

Subalit paliwanag ng kongresista, ang gawing mandatory ang ROTC ay para sa national defense hindi lamang tungkol sa pag-aaral dahil ang layon nito ay mabigay ang tamang bilang ng reservist na kailangan ng AFP.

Sa kasalukuyan, ang reservist umano ay nasa 70,000 lang at 120,000 ang aktibong sundalo, malayo sa kailangan ng Department of National Defense na isang mil­yon.

ROTC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with