Ayon sa PAGASA, malaki ang tiyansa na maging ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) na posibleng makaapekto sa Northern at Central Luzon.
PAGASA
LPA posibleng maging bagyo
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang panibagong bagyo ang inaasahang papasok ngayong araw at magpapaulan sa bansa.

Ayon sa PAGASA, malaki ang tiyansa na maging ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) na posibleng makaapekto sa Northern at Central Luzon.

Huling namataan ang LPA 1,695 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Posibleng sa Martes o Miyerkules sa susunod na linggo maging ganap na bagyo ang LPA na tatawaging “Jenny.”

Patuloy namang mag­dadala ng maulap na papawirin at manaka-nakang pag-ulan at pagkidlat ang habagat sa mga lugar ng Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera Region, Zambales, Bataan, Metro Manila, CALABARZON at MIMAROPA.

PAGASA
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with