“If they want to investigate this, I have no objection. Para po ito sa tao kaya kung gusto nila malaman paano ito nakakatulong, welcome po sila na silipin ang operasyon ng Malasakit Center,” sabi ni Go.
Edd Gumban
Sen. Go kay Lagman: ‘Wag maging anti-poor
(Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bukas si Sen. Bong Go sa panukala ni Albay Rep. Edcel Lagman na imbestigahan ng Kamara ang mga Malasakit Center sa bansa na nakikinabang sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

“If they want to investigate this, I have no objection. Para po ito sa tao kaya kung gusto nila malaman paano ito nakakatulong, welcome po sila na silipin ang operasyon ng Malasakit Center,” sabi ni Go.

“Wala pong pinipili ito, para po ito sa bawat Pilipinong nangangailangan. Do not be anti-poor. Huwag po natin ipagkait ang tulong at pagmamalasakit natin sa ating mga kababayan. Pera niyo po ito, ibinabalik sa inyo sa pamamagitan ng maayos na serbisyo,” saad pa niya.

Nauna rito, sinabi ni Lagman na mas marami ang bilang ng mga nagkakasakit kaysa sa mga nabibigyan ng tulong. Magagamit umano bilang partisan tool ang Malasakit Center kaysa isang medical outlet.

Pero paglilinaw ng senador, walang partisan o political consideration sa pagbibigay ng tulong mula sa Malasakit Center.

“Walang partisan o political considerations, walang pinipili na tutulungan, hindi kailangan ng anumang endorsement letter o ID mula sa politiko,” sabi ni Go.

Ayon pa sa senador, ginawa ang Malasakit Center initiative para mabigyan ng mabilis, maayos at maaasahang serbisyong medikal ang lahat ng Pilipino.

 

BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with