Bago lumabas ng bansa, nagpa-ulan muna si Ineng sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Zambales, Bataan, Mindoro Provinces, northern portions ng Palawan kasama na ang Calamian at Cuyo Islands, Aklan, at Antique gayundin sa buong Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Iloilo, Guimaras, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley at Central Luzon.
PAGASA
‘Ineng’ lumabas na, isa pang LPA papasok
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lumabas na kahapon ang bagyong Ineng pero may isa na namang weather disturbance ang nagbabantang pumasok sa bansa sa darating na Lunes.

Ang bagong low-pressure area (LPA) ay huling namataan ng PAGASA sa layong 1,835 kilometro silangan ng Mindanao.

Bago lumabas ng bansa, nagpa-ulan muna si Ineng sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Zambales, Bataan, Mindoro Provinces, northern portions ng Palawan kasama na ang Calamian at Cuyo Islands, Aklan, at Antique gayundin sa buong Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Iloilo, Guimaras, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley at Central Luzon.

Ngayong Linggo ay patuloy na makakaranas ng pag-ulan sa MM at karatig lalawigan dahil sa habagat.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat dahil kahit nakaalis na si Ineng ay may bago na namang weather disturbance na papasok sa PAR na maaaring magdulot ng mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

LPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with