^

Bansa

Digong galit, hindi payag sa Sanchez release

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Digong galit, hindi payag sa Sanchez release
Sinabi ni Sen. Go sa isang panayam ka­hapon, hindi sang-ayon ang Pangulo na makinabang sa bagong batas si Sanchez dahil sa GCTA.
Fle

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Palasyo na ma­ging si Pangulong Rodrigo Duterte ay tutol na ma­kalaya si convicted rapist at murderer at dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez gamit ang bagong batas na Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Sinabi ni Sen. Go sa isang panayam ka­hapon, hindi sang-ayon ang Pangulo na makinabang sa bagong batas si Sanchez dahil sa GCTA.

“I cant speak in behalf of the President, pero kami nung nag usap kami ng Pangulo talagang nagalit din siya at sinabi niya di rin siya sang-ayon at may mga sinita din siya na batas na minimum, in short ayaw din nya, galit po sya,” wika pa ni Sen. Go.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi kuwalipikado na makinabang sa Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance Law si Sanchez.

Aniya, maliwanag ang letra ng batas sa Good Conduct Time Allowance na ang mga nahatulan ng hukuman na gumawa ng karumal-dumal na krimen tulad ni Sanchez ay hindi puwedeng makinabang sa binabanggit na batas.

Ayon kay Panelo, dating defense lawyer ni Sanchez, suportado ng Palasyo ang Department of Justice sa inilabas na direktiba na dapat maging maingat ang Bureau of Corrections sa mga convicted criminals na isasailalim sa ebalwasyon para makinabang sa GCTA.

Inihayag ni Panelo na handang sundin ng Executive Department ang letra at espiritu ng batas kung sino ang kuwalipikado at hindi kuwalipikado sa GCTA Law.

Nauna ng niliwanag ng Korte Suprema na binigyan lang ng hudikatura ng interpretasyon ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Good Conduct Time Allowance Law.

Ayon kay SC Spokesman Atty. Brian Keith Hosaka, ipinaliwanag lamang nila ang RA 10592 kung saan itinaas ang good conduct time allowance ng mga preso na maaaring ipatupad sa sinumang bilanggo.

Ang tanging naging usapin anya ay kung retroactive ba ang GCTA o ang makikinabang lamang ay ang mga masesentensyahan sa panahong ipinasa ang batas.

Binawi na ng BuCor ang unang pahayag na kasama si Sanchez sa 11,000 preso na posibleng makalaya dahil sa GCTA.

Sinabi ni BuCor Director General Nicanor Faeldon, mahigit sa 49 ang criteria na dapat masunod bago mabigyan ng GCTA ang isang bilanggo.

Isa lamang anya dito ang malabag ay hindi na kuwalipikado ang bilanggo na mabawasan ng taon na dapat nyang gugulin sa Bilibid.

Dahil dito, sa unang tingin pa lamang anya sa record ni Sanchez ay hindi na ito kuwalipikado dahil sa bad conduct nang mahulihan ito ng shabu at mamahaling mga kagamitan sa kanyang kubol. Doris Franche

vuukle comment

ANTONIO SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with