^

Bansa

Sen. Go kay Sanchez: Baka umikli pa buhay mo sa labas

Pilipino Star Ngayon
Sen. Go kay Sanchez: Baka umikli pa buhay mo sa labas
Ayon kay Go, hindi na dapat mangarap pang lumaya si Sanchez at dapat ay ipagpatuloy na lamang nito ang pagbabayad sa kanyang mga kasalanan.
Bong Go FB Page/File

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Sen. Bong Go si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na manatili na lamang sa loob ng kulungan dahil posibleng mapatay lamang ito sa labas.

Ayon kay Go, hindi na dapat mangarap pang lumaya si Sanchez at dapat ay ipagpatuloy na lamang nito ang pagbabayad sa kanyang mga kasalanan.

“Mr Sanchez, ‘wag ka nang mangarap na makalaya pa. Ipagpa­tuloy mo na lang pagbayaran ang mga kasa­lanan mo dyan sa loob, kaysa lumabas ka, baka umikli pa ang iyong buhay,” sabi ni Go.

Noong 1995, si Sanchez ay na-convict sa kasong rape at murder kay Mary Eileen Sarmenta at pagpatay din sa boyfriend nitong si Allan Gomez, kapwa estudyante ng UP-Los Baños.

Nahatulan si Sanchez ng 7 counts ng reclusion perpetua o 280 taon pagkakakulong.

Nagkaroon ng posibilidad na makalaya si Sanchez matapos itaas ang “good conduct time allowances (GCTA) sa ilalim ng Republic Act 10592 kung saan maa­ring mabawasan ang taon na ilalagi sa loob ng bilangguan ng mga presong nagpakita ng “good conduct.”

Nilinaw naman ni Go na hindi nag-aplay ng exe­cutive clemency si Sanchez at nakasama ang pangalan nito sa listahan ng nasa 10,000 inmates na maaaring makinabang sa RA 10592.

Ayon kay Go, kina­ka­ilangan ng masusing pag-aaral sa kaso ni Sanchez at dapat ay matiyak na hindi siya basta-basta makalalaya.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with