Ang reklamo ay patungkol sa serye ng mga artikulo ni Tulfo, partikular sa naging desisyon ng BIR sa mga kaso ng Del Monte Philippines at Mighty Corporation kung saan nagpahayag ng kanyang opinyon si Tulfo na may nangyaring “aregluhan” na milyong halaga ang nasasangkot.
Facebook/pg/IMKTOfficial
BIR chief nagsampa ng libel, cyber libel vs Tulfo
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - August 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinampahan ng kasong ‘libel’ at ‘cyber libel’ sa piskalya ng Quezon City ang kolumnistang si Ramon Tulfo dahil sa mga serye ng kolum nito na bumabatikos sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at kay BIR commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay.’

Sa reklamo, sinabi ng BIR chief na “false, reckless, and defamatory” ang mga bintang ng ko­lumnista laban sa kanya sa serye ng mga kolum nito sa Manila Times kung saan inilarawan umano siya bilang isang “matakaw” at “korap” na opisyal ng gobyerno na labis umanong nakasira sa kanyang pagkatao.

Kasama rin sa reklamo sina Manila Times President and CEO Dante F.M. Ang 2nd, at mga editors na sina Rene Q. Bas, Blanca C. Mercado, Nerilyn A. Tenorio, Leena C. Chua, Arnold Belleza at Lynette O. Luna.

Humihingi si Dulay ng danyos na P20 milyon na aniya ay ibibigay naman niya para sa mga batang may kapansanan sa L’Arche (Ang Arko ng Pilipinas, Inc.).

Hiniling din ni Dulay na maglabas ang korte ng “precautionary hold departure order” (HDO) laban kay Tulfo.

Ang reklamo ay patungkol sa serye ng mga artikulo ni Tulfo, partikular sa naging desisyon ng BIR sa mga kaso ng Del Monte Philippines at Mighty Corporation kung saan nagpahayag ng kanyang opinyon si Tulfo na may nangyaring “aregluhan” na milyong halaga ang nasasangkot.

Ang mga artikulo ay lumabas din sa “online edition” ng Manila Times, sa ‘Facebook account’ nito at maging sa FB account ni Tulfo, na naging ‘viral’ umano at napabalita sa buong mundo.

Bunga nito, kahit umano mga kaibigan at miyembro ng kanyang pamilya sa labas ng Pilipinas ay tumawag sa kanya upang alamin ang buong pangyayari.

Una nang nagsampa ng tatlong bilang ng libel at cyber libel laban kay Tulfo si Executive Secretary Salvador Medialdea kung saan P140-mil­yon ang hinihingi nitong danyos-perwisyo.

RAMON TULFO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with