Nanawagan kahapon sa pamahalaang Duterte si Clara Sarmenta na pigilin ang paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na gumahasa at pumatay sa anak niyang si Aileen.
Kuha ni Boy Santos
Sanchez release nag-viral
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

Galit ng netizens bumuhos

MANILA, Philippines – Kumalat sa social media ang mga pagkondena ng maraming netizens sa napipintong paglaya umano sa bilangguan ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na convicted sa karumal-dumal na panggagahasa at pagpatay sa isang estudyante ng University of the Philippines-Los Baños noong 1993, at pagpapahirap at pagpatay sa kasama nito.

Kinukwestiyon ng mga netizen kung paano magi­ging kuwalipikado sa good conduct ang dating alkalde gayung nakumpiskahan din ito ng P1.5 milyong halaga ng shabu na itinago pa nito sa imahe ng Blessed Virgin Mary sa kanyang selda sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City noong 2010.

Bukod dito, nahulihan din ito ng airconditioning unit at flat-screen TV  sa isang raid naman noong  2015.

“Masakit basahin. Dapat habambuhay makulong si Sanchez,” ayon sa Facebook post ni Law professor Tony La Viña.

“Good behavior daw?” ayon naman kay dating Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo sa kanya ring FB account.  “Another travesty of justice is ongoing under this administration,” aniya pa.

Sa isang petisyon naman sa change.org,  nais nitong maipatupad ang pitong habambuhay na pagkabilanggo na ipinataw ng hukuman kay Sanchez.

Maging ang pamilya ng mga biktima ay una na ring nagulantang sa umano ay biglaan at mabilisang takbo ng pangyayari.

“Bumalik lahat ng sakit, ‘yung nakaraan, sumariwa lahat sa akin... Hanggang ngayon, di pa namin siya nakikitaan ng pagsisisi... Walang remorse sa kaniyang ginawa,” ani Ma. Clara Sarmenta, ina ni Eileen.

CLARA SARMENTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with