Alas-11:00 ng umaga kahapon, si Ineng ay namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa layong 725 kilometro ng silangan ng Casiguran, Aurora at kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
PAGASA
Bagyong Ineng bahagyang lumakas
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Bahagyang lumakas ang bagyong Ineng habang kumikilos pakanluran sa hilagang-kanlurang bahagi ng ating bansa.

Alas-11:00 ng umaga kahapon, si Ineng ay namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa layong 725 kilometro ng silangan ng Casiguran, Aurora  at kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Bunga nito, nakataas ang bagyo sa Signal number 1 sa Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Group of Islands, Isabela, Apayao, Kalinga, Northern Abra at Ilocos Norte.

Ngayong Biyernes, dahil sa bagyong Ineng, makakaranas ng katamtaman hanggang sa minsang paglakas ng ulan sa  buong Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Group of Islands, Isabela, Aurora at Quezon.

Mahina naman hanggang sa katamtaman na minsa’y malakas na ulan dahil sa habagat sa buong Metro Manila, nalalabing bahagi ng Northern at central Luzon, Cavite, Batangas, Northern Palawan, Antique at Aklan.

TYPHOON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with