Walang nakikitang banta sa seguridad ang Philippine National Police kaugnay ng napipintong pagpapalaya sa tinatayang 11,000 bilanggo sa National Bilibid Prison.
Miguel de Guzman
‘Walang banta sa paglaya ng 11,000 preso’ - PNP
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Walang nakikitang banta sa seguridad ang Philippine National Police kaugnay ng napipintong pagpapalaya sa tinatayang 11,000 bilanggo sa National Bilibid Prison (NBP).

“Ipinauubaya namin ang  usapin sa tamang diskresyon ng korte at batas. Pagkaraang mapagsilbihan nila ang kanilang oras sa kulungan, naniniwala kaming hindi sila magiging banta sa seguridad,” pahayag ni PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac.

Sa kabila nito, sinabi ni Banac na sakaling gumawang muli ng krimen ang nasabing mga preso ay handa nilang muling arestuhin ang mga ito at panagutin sa batas.

Ginawa ni Banac ang pahayag bilang reaksyon sa napaulat na napipintong pagpapalaya sa 11,000 inmates dahil sa binagong patakaran sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa ilalim ng Republic Act 10592 na nagpapaikli ng sentensya ng mga nasentensyahang preso na nagpakita ng magandang pag-uugali sa bilangguan.

NBP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with