Ex-DFA chief Yasay dinakip
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nakakulong ngayon sa Manila Police District-Criminal Investigation and Detection Unit si dating­ Department of Foreign Affairs Secretary at dating Security Exchange Commission Chairman Perfecto Yasay matapos itong arestuhin sa kanyang bahay sa Makati City kahapon ng hapon.

Sa ulat ng MPD-PIO, dakong alas-3 ng hapon nang dakpin sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 10 laban kay Yasay sa kanyang bahay sa Unit 4905 Milano Residences, Century City Road, Barangay Pob­lacion, Makati City.

Bago ang pag-aresto, lumutang sa tanggapan ng CIDU si Atty. John Irvin Velasquez, kinatawan ng Bangko Sentral ng Pilipinas at humiling ng police assistance upang maisilbi ang warrant laban sa 73-anyos na si Yasay.

Sa record ng kaso, si Yasay kasama ang 5 iba pa ay nagsabwatan umano upang makapangutang ng P350,000,000 sa Banco Filipino para sa Tierrasud Incorporated na ginagarantiyahan ng real properties na pag-aari ng Tropical Land Corporation.

Nang makuha na ang salaping inutang, hindi ini­report ng mga akusado ang naturang loan na naganap noong 2001 hanggang 2009.

Sa kanyang panig naman, mariing itinanggi ni Yasay ang alegasyon at nanindigan na hindi siya magpipiyansa dahil kailangang kuwestiyunin niya ang maling pagsasangkot sa kanya sa kaso.

 

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with