Namataan ang mata ng bagyo 670 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora at nagdadala ng hanging may lakas na 75 kilometro kada oras malapit sa gitna kaninang alas-kwatro ng hapon.
Released/Pagasa
Tropical storm Ineng bumagal pero napanatili ang lakas
James Relativo (Philstar.com) - August 22, 2019 - 6:24pm

MANILA, Philippines — Habang inaabangan ang paglakas nito tungong severe tropical storm sa loob ng 24 oras, bumagal naman ang pag-usad ng bagyong Ineng sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Namataan ang mata ng bagyo 670 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora at nagdadala ng hanging may lakas na 75 kilometro kada oras malapit sa gitna kaninang alas-kwatro ng hapon.

Kasama rin niyan ang pabugsu-busgong hangin na aabot sa 90 kilometro kada oras.

Mula sa bilis na 15 kilometro kada oras alas-diyes ng umaga, bumagal ang usad nito patungong 10 kilometro kada oras sa direksyong kanluran hilagangkanluran.

"'Yung outer rainbands nga po niya, tumatama pa rin po siya dito sa eastern section po ng Southern Luzon at Visayas," sabi ni Ana Clauren, weather specialist ng Pagasa.

"[D]ito naman po sa may western section ng Luzon at Kabisayaan, patuloy pong umiiral ang southwest monsoon o habagat na nagbibigay... ng mga light to moderate na at times heavy na pag-ulan." 

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Batanes
  • Cagayan (kasama ang Babuyan Group of Islands)
  • Isabela
  • Apayao
  • Kalinga
  • Northern Abra
  • Ilocos Norte

Inaasahan naman ang katamtaman hanggang minsanang malalakas na pag-ulan ngayong gabi sa Catanduanes.

Mahihina hanggang katamtaman na may sunud-sunod na malalakas na pag-ulan namang mararanasan sa:

  • Metro Manila
  • Ilocos Region
  • Cordillera Administrative Region
  • Zambales
  • Bataan
  • Cavite
  • Batangas
  • Mindoro Provinces
  • hilagang bahagi ng Palawan (kasama ang Calamian at Cuyo Islands)
  • Antique
  • Aklan
  • nalalabing bahagi ng Bicol Region

Maliit pa rin ang posibilidad na tumama ang bagyo sa kalupaan sa ngayon.

Nananatili namang delikado ang paglalayag sa eastern seaboards ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas dahil sa mararahas na kondisyon.

PAGASA RAINS SOUTHWEST MONSOON TROPICAL STORM INENG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with