"I am assuring you, at the first glance of his records here, he may not qualify for GCTA kasi marami rin siyang violation [sa loob ng kulungan]," ani BuCor chief Faeldon.
gulfnews.com
BuCor: Ex-Mayor Sanchez posibleng 'di mapalaya sa dami ng violations
James Relativo (Philstar.com) - August 22, 2019 - 4:50pm

MANILA, Philippines — Tiniyak sa publiko ni Bureau of Corrections director general Nicanor Faeldon na isasama nila sa review ang mga "kalokohang" ginawa ni ex-Calauan Mayor Antonio Sanchez sa kulungan bago desisyunan kung bibigyan siya ng good conduct and time allowance.

Sa pamamagitan ng Republic Act 10592, magagamit ang GCTA upang mapababa ang sintensya ng inmate dahil sa mabuting asal sa loob ng kulungan.

Pero sa isang press conference Huwebes, sinabi ni Faeldon na posibleng 'di makatikim ng kalayaan si Sanchez.

"I am assuring you, at the first glance of his records here, he may not qualify for GCTA kasi marami rin siyang violation [sa loob ng kulungan]," ani Faeldon.

Humaharap sa pitong counts ng reclusion perpetua (40 taong pagkakakulong) ang dating alkalde sa pagpatay sa dalawang University of the Philippines Los Baños students at paghalay sa isa sa mga ito noong taong 1993.

Una nang ibinalita ng Department of Justice na posible siyang mapalaya, kasama ng hanggang sa 11,000 inmates matapos ilapat retroactively ang RA 10592.

Bumuhos ang galit sa social media kasunod ng nasabing ulat.

Mga paglabag

Pero ano nga ba ang mga ginawa niyang violations sa piitan?

Nahahati ang mga reklamo sa isyu ng iligal na droga at maluhong pamumuhay sa kulungan.

Kinasuhan si Sanchez noong 2006 matapos makitaan ng shabu at marijuana sa loob ng selda sa New Bilibid Prisons.

Taong 2010 naman nang mahulihan siya ng isang kilong shabung nagkakahalaga ng P1.5 milyon na kanyang itinago sa raw sa loob ng imahen ng Birheng Maria.

"Although na-dismiss 'yan sa korte, but as far as the bureau is concerned, nahuli 'yan doon sa kanyang kubol. So he has violated that," wika pa niya.

Nakumpiska rin ang air conditioning unit at telebisyong flat-screen sa kanyang kubol noong 2015, sa ulat ng GMA.

"Nagtayo ka ng luxurious na kubol mo diyan. Good behavior ba 'yon samantalang 'yong kasamahan mo, natutulog doon sa butas-butas?" dagdag ni Faeldon.

"Those are records that will definitely disqualify you for [a] certain period of time na hindi ka entitled sa good conduct time allowance. Hindi lang si Sanchez. Marami 'yan dito."

Siniguro naman ng BuCor na nakakulong pa rin si Sanchez magpahanggang sa ngayon. Hindi pa rin daw nila inaasikaso ang kanyang mga papeles.

Una nang sinabi ng mga otoridad na uunahin nilang asikasuhin ang mga dating-dati pa nakakulong bago yaong mas bago.

Drug lords, kumakanlong sa kanila walang GCTA

Samantala, sinigurado rin ng BuCor chief na hindi nila pabababain ang sintensiya ng sinumang mapatutunayang may kinalaman sa kalakalan ng droga.

"Sigurado ako, I will not allow computation of good conduct to anybody who has participated in the selling of drugs, or provided sanctuary, or supported, or provided harbor to any drug peddlers while they're here."

ANTONIO SANCHEZ BUREAU OF CORRECTIONS DEPARTMENT OF JUSTICE RAPE-SLAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with