"[P]osible pa rin po itong lumakas pa into a severe tropical storm within a 24 hour period."
Video grab mula sa Dost_pagasa
Signal no.1 itinaas sa ilang bahagi ng Luzon bunsod ng bagyong Ineng
James Relativo (Philstar.com) - August 22, 2019 - 12:01pm

MANILA, Philippines — Itinaas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa ilang lugar sa hilagang bahagi ng Luzon sa patuloy na paglakas ng bagyong Ineng.

Idineklara ito ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration or PAGASA sa mga sumusunod na lugar:

  • Batanes
  • Ilocos Norte
  • Apayao
  • Cagayan (kasama ang Babuyan Group of Islands)
  • Kalinga
  • Isabela
  • Northern Abra

"Itong mga areas na ito posible pong makaranas ng lakas ng hangin na aabot ng mula 30 hanggang 60 kilometers per hour sa loob po ng 36 hours," ani Chris Perez, weather specialist ng PAGASA kaninang alas-onse.

Nakita ang TS Ineng 725 kilomeetro silangan ng Casiguran, Aurora kaninang alas-diyes ng umaga.

Nagdadala ito ng hangin na may lakas na 75 kilometro kada oras malapit sa gitna nito na may pabugsu-busgong hangin na 90 kilometro kada oras.

Kumikilos ito kanluran hilagangkanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Katamtaman hanggang paminsan-minsang malalakas na pag-ulan dahil sa bagyo ang mararanasan sa:

  • Bicol Region
  • Northern Samar
  • Quezon Province

Sinasabing maaaring magsanhi ng flashfloods at landslides sa mga nasabing lugar dahil sa tropical storm.

Magiging 'severe tropical storm'

Bagama't hindi pa nakikitang tatama sa kalupaan ang bagyong Ineng, maaaring lumakas pa ito.

"[P]osible pa rin po itong lumakas pa into a severe tropical storm within a 24 hour period," ani Perez.

Ito na ang ika-9 tropical cyclone na pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong 2019.

Habagat pa rin

Samantala, pinalalakas naman ng bagyong Ineng ang pag-iral ng southwest monsoon, o "enhanced habagat," sa bandang kanluran ng PAR.

Mahihina hanggang katamtaman at paminsan-minsang malalakas na pag-ulan dahil sa habagat ang mararanasan sa:

  • Pangasinan
  • Zambales
  • Bataan
  • Cavite
  • Batangas
  • Mindoro Provinces
  • Antique
  • Aklan
  • Northern Palawan (kasama ang Calamian at Cuyo Island)

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang madarama sa:

  • Metro Manila
  • Batanes
  • Babuyan Group of Islands
  • natitirang bahagi ng Central Luzon
  • CALABARZON
  • Mimaropa
  • Visayas 

SIGNAL NUMBER ONE SOUTHWEST MONSOON TROPICAL STORM INENG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with