Ginawa ng China ang panawagan sa gitna ng desisyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na isuspendi ang pagbibigay ng lisensiya sa mga aplikante ng Philippine Offshore Gaming Ope­rations.
File
Total ban sa online gambling
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - August 22, 2019 - 12:00am

Giit ng China sa Pinas

MANILA, Philippines — Mismong ang China na ang nanawagan sa gobyerno ng Pilipinas na ipagbawal ang lahat ng uri ng online gambling kung saan sangkot ang mga Chinese nationals.

Ginawa ng China ang panawagan sa gitna ng desisyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na isuspendi ang pagbibigay ng lisensiya sa mga aplikante ng Philippine Offshore Gaming Ope­rations (POGO).

Sa isang press briefing sa Beijing, nagpahayag ng pag-asa si Chinese Ministry Spokesman Geng Shuang na mas palalakasin pa ng gobyerno ng Pilipinas ang pagtugis sa mga kriminal kabilang ang mga online gambling. 

Binanggit din ni Shuang na ang pagpapalakas ng law enforcement ay makakatulong para sa pagpapatatag ng bilateral relations, katahimikan at stability sa rehiyon.

Ang transcript ng briefing ni Shuang ay inilabas ng Chinese Embassy sa Manila.

Nauna ng inihayag ng embahada ng China na ilegal ang sugal sa kanilang bansa at ang mga nais magsugal ay kinakailangan pang magbiyahe sa ibang bansa.

 

ONLINE GAMBLING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with