^

Bansa

10 days leave sa namatayan isinusulong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
10 days leave sa namatayan isinusulong
Nakasaad sa “‘Bereavement Leave Act of 2019” ni Sen. Grace Poe, na ang pagkawala ng isang mahal sa buhay ay nagdudulot ng ma­tinding lungkot na nakakaapekto sa emosyonal at pisikal na aspeto ng isang tao at hindi nakakapagtrabaho ng maayos.
MakatiMed/Released

CEBU, Philippines – Isinusulong na sa Senado ang panukalang mabigyan ng 10 araw na leave na may bayad ang lahat ng mga emple­yado sa pribado at pampubli­kong sektor na mamamatayan ng mahal sa buhay.

Nakasaad sa “‘Bereavement Leave Act of 2019” ni Sen. Grace Poe, na ang pagkawala ng isang mahal sa buhay ay nagdudulot ng ma­tinding lungkot na nakakaapekto sa emosyonal at pisikal na aspeto ng isang tao at hindi nakakapagtrabaho ng maayos.

May mga pagkakataon din aniya na inaabot ng matagal na panahon o taon bago tuluyang maka-recover ang isang tao sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay.

Pero dahil sa trabaho, ang isang namatayan ay walang magawa kung hindi bumalik kaagad sa opisina o tanggapan kahit nagluluksa pa.

May mga kompanya aniya na nagbibigay ng “bereavement leave” na kalimitan ay tumatagal lamang ng mula 3 hanggang 5 araw na hindi sapat para makapagluksa, makadalo sa burol at li­bing ang isang namatayan.

Ang “Bereavement Leave” ay ibibigay sa isang namatayan ng “immediate family member” katulad ng asawa, magulang, anak, kapatid, o kamag-anak na hanggang third degree of consanguinity o affinity.

Ang 10 araw na leave ay hindi maaring ibawas sa  leave na ibinibigay na sa isang empleyado.

 

vuukle comment

BEREAVEMENT LEAVE ACT OF 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with