Mga pasyenteng may leptospirosis dumarami
(Pilipino Star Ngayon) - August 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napaulat na tumataas umano ang bilang ng mga kaso ng sakit na leptospirosis sa bansa.

Ayon sa iniulat sa Department of Health, uma­bot sa 1,030 ang kaso ng leptospirosis mula Ene­ro 1 hanggang Hunyo 9 ng taong ito na mas mataas nang 41% kaysa sa bilang na naitala sa kahalintulad na mga buwan ng nakaraang taon. Sa bilang na ito, 339 ang laboratory-tested at 77 ang positibo sa leptos­pirosis. May naita­lang 93 ang namatay sa naturang sakit.

May mga edad na mula isa hanggang 88 taong gulang ang mga biktima ng leptospirosis. Mayorya ay mga lalake (872 o 85%). Karamihan ng mga kaso ay mula sa Western Visayas (221), Caraga (162), at Region XI (86).

Nauna rito, pinayuhan ng DOH ang publiko na magmatyag sa mga sintomas ng leptospirosis kapag lumulusong sila sa baha lalo na kung tag-ulan.

DEPARTMENT OF HEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with