3 Pinay senior citizen nakabalik na sa ‘Pinas
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Planong magsampa ng kaso ng pamilya ng tatlong Pilipinang senior citizen laban sa isang Chinese airline company na nagpabaya umano sa kanila habang nasa China dahilan para ma-istranded sila nang halos tatlong linggo sa Wuhan Tianhe International Airport sa naturang bansa.

Ligtas na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Linggo ng gabi ang magkakapatid na sina Erlinda Varela Guce, 70; Josefina Varela Baysic, 72; at Pacita de Guzman, 77, pawang mga retiradong guro ng Commonwealth Elementary School sa Quezon City.

Sinabi ng tatlo na sa halip na sa Shanghai, sa Wuhan Tianhe International Airport sa Hubei sila lumapag dahil sa sama ng panahon. Dito na nila nalaman na mga “chance passengers” lamang sila ng eroplano.
Una silang pinatuloy ng kanilang China Eastern Airlines sa isang hotel ngunit pinalabas rin agad at sa airport na sila tumuloy. Nagpabalik-balik sila sa opisina ng airlines ngunit hindi sila binu-book ng paliparan at wala ring access sa komunikasyon nang mag-expire ang kanilang mga mobile numbers na ginamit nila sa bakasyon nila sa Amerika.

Inireklamo naman ng mga kaanak ng tatlo ang hindi pagbibigay sa kanila ng impormasyon sa tatlong senior citizen bago tuluyang mapabalik sila sa Pilipinas.

Dahil dito, nagpaplano ang pamilya na magsampa ng kaso sa China Eastern Airlines dahil sa kapabayaan. Wala pa namang tugon sa isyu ang naturang airline company.

SENIOR CITIZEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with