^

Bansa

Unemployment benefit puwede nang kunin sa SSS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Unemployment benefit puwede nang kunin sa SSS
Ang unemployment benefit ay isa sa mga benepisyung laan sa mga miyembro sa ilalim ng Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018.
File

MANILA, Philippines — Maaari nang magtungo ang mga unemployed members ng Social Security System sa alinmang sa­ngay ng SSS sa Pilipinas at ibang bansa para makuha ang kanilang unemployment separation benefit.

Ang unemployment benefit ay isa sa mga benepisyung laan sa mga miyembro sa ilalim ng Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018.

Ang lahat ng member-applicants ay maaaring ma­bigyan ng cash benefit na kasinghalaga ng kalahati ng kanilang average monthly salary credit (AMSC) para sa maximum period na dalawang buwan.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio, sa pamamagitan ng benepisyung ito, ang mga miyembro kasama ang mga kasambahay at overseas Filipino workers (OFWs) ay pinagkakalooban ng dagdag na social security protection.

Anya, kung halimbawa ang isang miyembro ay may sahod na P10,000 kada buwan sa huling buwan sa trabaho, ang cash assistance nito ay aabutin ng P5,000 kada buwan o kabuuang P10,000 para sa dalawang buwang maximum period.

Ang mga benepisyaryo ay hindi hihigit sa 60 taong gulang mula nang mawalan ng trabaho.

Ayon kay Ignacio, dapat ang SSS member ay nakapagbayad ng may 36 monthly contributions sa loob ng 12 buwan bago naalis sa trabaho.

Ang Involuntary separations mula March 5, 2019 onwards ay may unemployment insurance.

vuukle comment

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with