Kung si PACC commissioner Greco Belgica ang tatanungin, "insignificant" lang ang halagang iyon dahil halos ganun din naman daw ang natatanggap niyang buwanang sahod.
The STAR/Alexis Romero
'Regalong halagang P100,000 okey lang tanggapin ng gov't worker'
(Philstar.com) - August 19, 2019 - 3:45pm

MANILA, Philippines — Hanggang magkano ba ang mga regalong maaaring tanggapin ng mga empleyado ng gobyerno?

Para kay Presidential Anti-Corruption Commission commissioner Greco Belgica, pwedeng umabot ito ng hanggang P100,000 kung ibinibigay ito bilang magpasalamat.

'Yan ay kahit hindi pinahihintulutan ng Republic Act 3019 at RA 6713 ang mga opisyal ng pamahalaan na tumanggap ng regalo na maaaring tignan bilang panunuhol, maliban sa mga bagay na "insignificant in value" — halagang hindi inilinaw ng mga batas.

'Hindi 'yan korapsyon, hindi naman hiningi'

Halimbawa, wala namang daw problema kung bibigyan ng P100,000 ang isang government worker kung isinaoli niya ang isang bag na naglalaman ng P1 milyon.

Magiging katiwalian lang daw ito oras na humingi ng pera ang empleyado kapalit ng pagsasaoli ng gamit.

"[H]indi 'yon korapsyon dahil hindi naman niya ito inasahan o hiningi sa may ari ng pera," sabi ni Belgica sa Inggles sa panayam ng One News.

Kung siya raw ang nasa lugar ng empleyado, "insignificant" lang ang halagang iyon dahil halos ganun din naman daw ang natatanggap niyang buwanang sahod.

"'Yung iniisip mong 'insignificant' pwedeng magkaiba depende sa tao kaya ang sinasabi ko case-to-case basis 'yan," dagdag niya.

Pero hindi naman daw tatanggapin ni Belgica ang pera kung iaalok ito sa kanya.

Umani ng batikos si Pangulong Rodrigo ngayong buwan matapos niyang engganyuhin ang mga pulis na tumanggap ng regalo kung ito'y ibinigay sa kanila bilang pagpapasalamat.

Matapos nito, umamin ang dati at kasalukuyang hepe ng Philippine National Police na tumanggap sila ng mga "branded" na damit at lechon bilang mga regalo habang nanunungkulan.

'Bawal tumanggap'

Sa kabila ng lahat ng ito, binabalaan pa rin ng Department of the Interior and Local Government ang mga opisyal ng pamahalaan na tatanggap ng regalo dahil labag daw ito sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Naglabas na rin daw ang DILG ng memorandum circular noong 2016 na nagbabawal tumanggap ng regalo habang ginagampanan ang opisyal na trabaho.

Ito rin ang sinabi ni Civil Service Commission chairperson Aileen Lizada pagdating sa usapin, lalo na't malinaw naman daw ang sinasabi ng batas tungkol dito.

"Meron po tayong mechanism set in place. Ipinaliwanag 'yan sa pamamagitan ng batas. Meron tayong dalawang batas diyan," sabi ni Lizada sa panayam ng CNN Philippines.

Aniya, ang pinahihintulutan lang ay mga rgalo, scholarships, grants at iba pang alok mula sa mga banyagang gobyerno.

"Pinakamainam na linawin [ng DILG] ang kanilang MC kung paano nila... iintindihin ang mga sinabi ng presidente kaugnay ng MC na inilabas nila," dagdag ni Lizada. — James Relativo at may mga ulat mula kay Emmanuel Tupas

BRIBERY CORRUPTION DILG GIFTS GRECO BELGICA RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with