Paliwanag ni Lorenzana, ang pahayag ni Jianhua ang isa sa kahibangan na kanyang narinig dahil ang mga POGO workers dito sa bansa ay hindi maaa­ring mahalintulad sa mga OFW sa China.
AP/Aaron Favila/File
‘OFW spying’ kahibangan
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

Lorenzana sa Chinese envoy

MANILA, Philippines — Pumalag si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pahayag ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na maaari rin maakusahan ng pang-e-espiya ang mga Filipino na nagtatrabaho sa China.

Paliwanag ni Lorenzana, ang pahayag ni Jianhua ang isa sa kahibangan na kanyang narinig dahil ang mga POGO workers dito sa bansa ay hindi maaa­ring mahalintulad sa mga OFW sa China.

Ito ay dahil dumating dito sa bansa ang mga POGO workers para sa ibang dahilan tulad ng turismo subalit biglang nagkaroon ng working visa sa POGO centers na nag-ooperate ng gambling operations na ipinagbabawal sa China.

Samantalang ang mga OFW sa China ay para lehitimong magtrabaho at may Chinese visa at maaaring mga tulad ng mga Chinese na nagtatrabaho sa construction projects dito sa Pilipinas na napagkasunduan ng dalawang bansa.

Subalit wala naman umanong POGO centers sa China na maaa­ring i-operate ng mga Filipino na malapit sa Chinese military camps.

Bukod pa rito, nagkalat din umano sa China ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa mga eskwelahan na malalayo sa military camps habang ang mga POGO dito sa bansa ay napa­kalapit sa mga military camps at naval bases na maaari naman umanong nagkataon lamang dahil ito lang ang mga pasilidad na maaring gamitin sa POGO operations.

Naniniwala naman ang Kalihim na ang POGO workers sa bansa ay nagta-trabaho lamang subalit ang ikinakaalarma umano niya ang potensyal na magamit sila para sa pagkalap ng impormasyon.

Dahil dito kaya suportado ni Lorenzana ang paglilipat ng POGO centers sa ecozones na hindi malapit sa military camps.

 

DELFIN LORENZANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with