Una nang nagpaha­yag ng kanilang pagkabahala ang Malacañang ukol sa report mula sa militar na limang Chinese warships ang nag­layag sa Sibutu Strait nang walang paalam.
Photo Courtesy of Westmincom
Dahilan ng pagdaan ng Chinese warships dapat malaman - Palasyo
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iginiit ng Malacañang na mahalagang malaman ang rason kung bakit dumaraan sa Sibutu Strait ang mga barkong pandigma ng China.

Una nang sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na nakakainis na umano ang naturang hakbang ng mga Chinese vessels.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, mahalagang mabatid ang dahilan ng pagdaan ng Chinese warships sa nasabing teri­toryo ng Pilipinas.

“We want to know bakit sila doon duma­daan,” wika ni Panelo.

Hindi naman tiyak ng opisyal kung magiging bahagi ba ang nasabing isyu sa magiging pulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping ngayong buwan.

Gayunman, sinabi ni Panelo na importante pa rin itong matalakay ng dalawang lider upang malaman ang puno’t dulo ng pagdaan ng mga barkong pandigma ng Tsina sa nabanggit na lugar.

“That’s the call of the President, whatever issue he wants to take with the President Xi,” wika ni Panelo.

“But I suppose taking that up will also be important because, as Mr. Lorenzana said…the incident has been repeatedly done and, therefore, it is becoming an irritant, and we have to know exactly why they’re passing through that straight when the shortest route going to China can be done on a different route,” dagdag nito.

Una nang nagpaha­yag ng kanilang pagkabahala ang Malacañang ukol sa report mula sa militar na limang Chinese warships ang nag­layag sa Sibutu Strait nang walang paalam.

CHINESE WARSHIPS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with