Sinabi rin ni Guanzon na ang alegasyon ni Cardema ay sinasabing nangyari sa unang bahagi ng 2019 noong ito pa ang pinuno ng National Youth Commission.
National Youth Commission/Facebook, Released
Guanzon kay Cardema: ‘Kumuha ng magaling na abogado’
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Study his case and get a good lawyer”.

Ito ang payo ni Commission on Elections  Commissioner Rowena Guanzon kay dating National Youth Commission (NYC) head Ronald Cardema hinggil sa alegasyong nangikil umano siya kapalit ng pag-apruba sa accreditation ng Duterte Youth Partylist Group.

Sa kanyang Twitter post, kinuwestyon ni Guanzon ang alegasyon ni Cardema.

Sinabi rin ni Guanzon na ang alegasyon ni Cardema ay sinasabing nangyari sa unang bahagi ng 2019 noong ito pa ang pinuno ng National Youth Commission.

Dagdag pa ng Comelec official, tila inaamin ni Cardema na sangkot siya sa partisan politics ga­yong hindi naman dapat ito ginagawa ng isang NYC chairman.

Nagtataka lamang si Guanzon kung bakit nagbibigay ng mga ma­ling pahayag si Cardema samantalang ang edad nito ang kinukuwestiyon.

Ang kinatawan ng Duterte Youth Partylist  ay nasa edad na hanggang 30 anyos lamang. Si Cardema ay nasa 34  anyos na.

Matatandaang matapos umatras ang mga ori­ginal nominees ng Duterte Youth Parylist Group ay naghain si Cardema ng application for substitution.

CARDEMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with