Pagkuha ng passport mas tumagal
MANILA, Philippines — Mas lalong tumagal ang proseso ngayon ng pagkuha ng pasaporte sa Department of Foreign Affairs (DFA) makaraang magpatupad ito ng upgrade sa “ePassport System”.
“Regular passport processing will not take 15 working days instead of the current 12 working days for all consular offices (COs) nationwide,” ayon sa DFA.
“Meanwhile, expedited processing will now take eight working days for applications processed in the DFA Aseana and COs in the National Capital Region (NCR) and 10 working days for those in COs outside NCR,” dagdag pa sa advisory.
Humiling ang DFA ng pag-unawa at pasensya sa publiko lalo na sa mga nagmamadali na mailabas ang kanilang mga pasaporte.
Nilinaw naman ng DFA na babalik na sa normal ang delivery at pagpapalabas ng iskedyul kapag natapos na ang system upgrade nila.
- Latest