^

Bansa

Pagpasa sa P41-Trillion national budget sa 2020 bibilisan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magsasagawa ng marathon hearing ang Kamara para maipasa sa takdang oras ang P41-Trillion proposed national budget para sa taong 2020.

Ayon kay House Committee on Appropriations chairman Rep. Isidro Ungab (3rd District, Davao City), mula Lunes hanggang Biyernes simula Agosto 22, 2019 ang gagawin nilang hearing.

Bukas ay inaasahang isusumite ni acting Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisao ang National Expenditure Program o NEP kay House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Ungab, gagawin nila ang lahat para ma­aprubahan sa takdang oras ang 2020 national budget at magawa nila ang mandato ng kongreso na mabusisi ang pambansang pondo at masiguro na bawat piso na kanilang ilalaan ay magagamit sa paglago ng ekonomiya.

Inaasahan naman ng komite na matatapos ang budget hearing sa ikalawang linggo ng Setyembre at masisimulan ang plenary deliberations sa sandaling maaprubahan ang committee report nito.

Target naman na maaprubahan ang General Appropriations Bill sa Oktubre 4 bago ang break ng kongreso.

Kapag naipasa naman bukas ng DBM ang NEP ay sisimulan na ng komite sa Biyernes ang pag-review ng budget proposals ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR.

vuukle comment

BUDGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with