P3K dagdag pension sa war veterans isinulong
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinulong sa Senado ang P3,000 dagdag sa buwanang pensyon ng mga beterano.

Sa kanyang Senate Bill 456, sinabi ni Sen. Bong Revilla na tungkulin ng estado na alagaan ang mga beterano at mga benipisyaryo nito kaya’t marapat lamang na dagdagang muli ng P3,000 ang kanilang pensyon.

Direktang makukuha ng mga beterano ang dagdag na pensyon, sakaling pumanaw na ang mga ito, ang asawa ang makakatanggap at kung wala na rin, ang panganay na anak naman ang makakakuha nito.

Inaatasan din ng kanyang panukala na kailangang ilaan ang pondo nito ng Department of National Defense (DND) sa kanilang taunang budget.

Kamakailan ay dinagdagan ng P15,000 ang dating P5,000 buwanang pensyon ng mga Korean at Vietnam war veterans at ginawa itong P20,000.

PENSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with