‘Self Serving’- Guanzon
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 18, 2019 - 12:00am

Sa bintang ni Cardema

MANILA, Philippines — Mariin namang pina­bulaanan ni Guanzon ang mga ibinibintang ni da­ting National Youth Commission at Duterte Youth leader Ronald Cardema at sinabing humahanap lamang ito ng pamamaraan upang mapag-inhibit siya sa kasong kinakaharap nito sa Comelec.

“Nagpatawag ng pulong-balitaan  si Cardema na pinagbibintangan ako na humihingi ng pabor kapalit ng rehistrasyon ng kanyang partylist? Bakit? Bumoto ba ako ng yes sa rehistrasyon ng kanyang PL? Paanong walang naitalagang hukom na may kaugnayan sa akin,” sabi pa ni Guanzon sa isang tweet.

Nanindigan rin naman si Guanzon na self-serving ang mga akusasyon ni Cardema at sinabing hindi siya mag-iinhibit sa kaso. “Self serving.  Why? No way. I will not inhibit from the cases of Cardema. Period.”

Bukod dito, ayon kay Guanzon, wala sa posisyon si Cardema para humingi siya ng tulong dito. “Bakit? President ba siya?  Maaari ba siyang magtalaga ng huwes? Kung meron akong gustong ma-appoint, sa iba ako lalapit, hindi sa kanya,” sabi pa niya. 

Ayon pa kay Guanzon, gawa-gawa lang ito ni Cardema. “Madaling makakuha ng listahan ng mga aplikante mula sa Negros o Iloilo. Akala siguro nila, mula ako sa Iloilo. Taga-Negros ako,” sabi pa niya. 

Sinabi pa ni Guanzon na hindi pa muna siya magsasampa ng kasong libelo laban kay Cardema dahil maaaring maging basihan ito ng huli para mahiling nito na mapa-inhibit siya sa pagdinig ng Comelec sa motion for reconsideration nito.

Isinampa ni Cardema ang naturang motion para mapabaligtad ang desisyon ng first division ng Comelec noong Agosto 5 na nagkakansela sa kanyang nominasyon sa Duterte Youth.

Idinagdag ni Guanzon na istratehiya ni Cardema na. “Kung hindi niya makukuha ang gusto niya, aatakihin nito ako.” Kaya naniniwala ang opis­yal na ang huli ang responsable sa mga banta sa kanya. Sheila Crisostomo

 

SELF SERVING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with