AFP Chief dismayado sa trespassing ng China
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dismayado si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal Jr., sa trespassing ng mga barkong pandigma ng China sa Sibutu at Balabac Strait sa Tawi-Tawi na maituturing na banta sa seguridad ng bansa.

Ito’y matapos na mamonitor ng AFP–Western Mindanao Command ang pagpasok ng mga barkong pandigma ng China sa Sibutu at Balabac Strait noong Hulyo at Agosto nang hindi nagpapaalam sa mga opisyal ng pamahalaan.

 Ang nasabing insidente ay una nang pinagdudahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana dahil bukod sa hindi humingi ng permiso ang China ay pinatay pa nito ang Automatic Identification System (AIS) ng banyagang barko.

Sinabi ni Madrigal na hindi lamang ang banta ang nilikha ng China sa  pasikreto nitong pagpasok ng walang paalam sa teritoryo ng Pilipinas  kundi maging ang kawalan ng respeto sa kapwa bansa.

TRESPASSING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with