Sinabi ng Comelec na, sa nasabing bilang, nasa 159,126 ang baguhan o first-time registrants habang ang 36,649 aplikasyon ay mula sa mga bagong botanteng nagkakaedad nang mula 15 hanggang 17-gulang at 122,477 naman ang mula sa nasa edad 18-anyos pataas.
Boy Santos
200k nagparehistro sa Comelec
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - August 18, 2019 - 12:00am

Sa ikalawang linggo

MANILA, Philippines — Umabot sa 269,087 ang bilang ng nagpare­histro sa ikalawang linggo pa lamang ng voter registration  na isinasagawa ng Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ng Comelec na, sa nasabing bilang, nasa 159,126 ang baguhan o first-time registrants habang ang 36,649 aplikasyon ay mula sa mga bagong botanteng nagkakaedad nang mula 15 hanggang 17-gulang at 122,477 naman ang mula sa nasa edad 18-anyos pataas.

Ang Region IV-A  ang may pinakamataas na regular registrants na uma­bot sa 43,777 apli­kasyon na naproseso mula Agosto 5 hanggang 10, 2019 habang ang Region 1 naman ay nakapagproseso ng 5,880 aplikasyon mula sa Sangguniang Kabataan (SK) registrants sa kaparehong petsa.

Sa buong bansa, 124,885 ang nagpare­histrong lalaking botante habang 144,202 naman ang mga babae.

Kasabay nito, nilinaw naman ng Comelec na lahat ng uri ng aplikasyon ay tinatanggap nila sa isinasagawang voter registration, kabilang ang application for registration, transfer, change o corrections of entries, reactivation, inclusion at reinstatement ng pangalan sa listahan ng mga botante.

Ang voter registration ay sinimulan nitong Agosto 1 at inaasahang matatapos hanggang sa Setyembre 30.

Tumatanggap ng apli­kasyon ang Comelec mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, mula Lunes hanggang Sabado, kahit pa sa araw ng holiday.

 

COMELEC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with