^

Bansa

‘Bring your own bottle’ ng NutriAsia dinagsa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Daan-daang katao ang nagtipon at nakiisa sa paglulunsad ng “Bring Your Own Bottle” (BYOB) ng NutriAsia Inc. sa Mind Museum sa Bonifacio Global City, Taguig noong nakaraang linggo.

Ang BYOB store ay bahagi ng kampanya ng NutriAsia para mabawasan ang paggamit ng plastic kaya hinihikayat nila ang kanilang mga bisita na magdala ng sarili nilang malinis na plastic o glass bottles para paglagyan ng condiments, mga sauce at cooking oils sa murang halaga lamang.

Kabilang sa mga produktong inaalok ng kumpan­ya sa kanilang refilling stations ay ang Datu Puti soy sauce, Datu Puti vinegar, UFC Banana Catsup, Golden Fiesta Palm Oil, Golden Fiesta Soya Oil, Golden Fiesta Canola Oil at Golden Fiesta Corn Oil. 

Ang nasabing mga produkto ay ibinebenta mula 5-15% na mas mura kumpara sa suggested retail prices at nagbibigay din sila ng 40% discount sa mga bibili ng locally blended juice drinks.

Simula sa pagbubukas ng BYOB booth na karamihan ay mga working moms, young professionals at residente ng nasabing lugar ay maaari silang makakuha ng minimum na 200 grams ng kanilang nais na mga produkto at maximum na 2 liters.

Sinabi ng mga staff ng NutriAsia, kada customers ay nagdadala ng 2 empty bottles para sa refill habang ang iba naman ay dumadaan lang para magdonate ng kanilang plastic containers.

Bukas ang pop-up store hanggang Setyembre 12.

vuukle comment

NUTRIASIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with