Sinabi ni PCSO Director Sandra Cam, Mayo 2019 pa nang mapasakamay ang mga ito ni Belgica, na siyang namumuno sa task force na inatasan ni Pangulong Duterte upang magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa isyu.
Michael Varcas
Ebidensiya sa PCSO corruption, hawak na ng PACC
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hawak ni Presidential Anti-Crime and Corruption (PACC) Commissioner Greco Belgica ang lahat ng mga ebi­densiya na nagpapatunay na mayroong ko­rapsiyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sinabi ni PCSO Director Sandra Cam, Mayo 2019 pa nang mapasakamay ang mga ito ni Belgica, na siyang namumuno sa task force na inatasan ni Pangulong Duterte upang magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa isyu.

Ani Cam, ito rin ang mga dokumento na hiningi ng Pangulo nang magkita sila sa Tokyo, Japan noong Mayo sa isang official visit nito.

“President Duterte and I met in Tokyo. He asked me for proof. I then gave him the documents that proved that there is corruption in PCSO. He then asked me to hand over these documents to Sen. Bong Go and the latter gave these documents to Commissioner Belgica who is in charge in the investigation,” ani Cam.

Inamin naman ni Cam na bukod sa mga natu­rang dokumento, mayroon pa siyang impormasyon hinggil sa korapsiyon sa PCSO na handa aniya niyang ibunyag sa sandaling ipatawag siya sa imbestigasyong isasagawa ng Senado at Kongreso.

GRECO BELGICA PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with