Sa Senate Bill 545 ni Sen. Juan Miguel Zubiri, gusto nitong magkaroon ng batas na magtatakda sa pagbubukas ng klase sa lahat ng paaralan tuwing ikalawang Lunes ng Agosto at hindi lalampas sa ikalawang linggo ng Setyembre.
Bukas ng klase gagawing Agosto
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - August 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinusulong na ga­wing sabay-sabay ang pagbubukas ng klase sa lahat ng eskuwelahan sa bansa.

Sa Senate Bill 545 ni Sen. Juan Miguel Zubiri, gusto nitong magkaroon ng batas na magtatakda sa pagbubukas ng klase sa lahat ng paaralan tuwing ikalawang Lunes ng Agosto at hindi lalampas sa ikalawang linggo ng Setyembre.

Layunin ng panukala ni Zubiri na i-harmonize ang pagbubukas ng klase sa lahat ng eskuwelahan at i-synchronize ang academic o school calendar year ng Pilipinas sa ibang eskuwelahan sa mundo.

Sa kasalukuyan, sinusunod pa rin ng Pilipinas ang Hunyo hanggang Marso na school calendar samantalang ang karamihan sa mga educational institutions sa buong mundo ay mula Agosto hanggang Setyembre kada taon.

Ipinunto ni Zubiri na kung magkakasabay-sabay ang academic ca­lendar, magkakaroon ng pagkakataon ang lahat ng mga eskuwelahan, estudyante at faculty members na makilahok at magkaroon ng benepisyo sa mga research activities, exchange programs, at training programs mula sa mga educational institutions sa ibang bansa.

JUAN MIGUEL ZUBIRI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with